Home

Advertisement

Customize

(no subject)

Jan. 2nd, 2006 | 11:13 am

sa araw ng pasko
mayroong masaya.
maraming mga regalo, aguinaldo, pagkain pangfiesta
nagsasama-sama ang mga pamilya
kwentuhan, kainan, inuman, lokohan.


ngunit sa araw ng pasko
mayroong ding nagtatrabaho
nagsasaka
nangingisda

nagpapatuloy ng tungkulin tulad ng ordinaryong araw.

ang regalo nila
ay sa kanilang pamilya

nagtatrabaho
para sa mas mabuting bukas
mas magandang buhay


ang tunay na regalo
sakripisyo para sa kapwa


Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com

Link | Leave a comment {2} | Add to Memories | Tell a Friend

(no subject)

Dec. 12th, 2005 | 10:43 pm

Image hosted by Photobucket.com
pasko na, sinta ko.


panahon ng pakikisama at pagsasaya.
lahat maligaya, walang dapat maiwan.

kaya't kailangan mo nang NGUMITI!

Link | Leave a comment {2} | Add to Memories | Tell a Friend

napansin niyo ba

Dec. 5th, 2005 | 09:22 pm
music: paramita - takipsilim

..na napakabilis ng oras?

isang sekundo. isang minuto. isang oras. isang araw. isang linggo. isang buwan. isang taon. ang mga sukat ng oras.

ngunit, sapat na ba ang sukat ng isang sekundo?

napakaraming maaaring mangyari sa loob ng isang saglit.
sa loob nitong saglit, ang isang tao ay buhay. buhay, nakakapagdanas, mayroong iniisip, mayroong dinarama, mayroong ginagawa.
milyon-milyong tao. milyon-milyong karanasan, isip, damdamin, kilos.
sa loob lamang isang saglit.



sa pagbasa niyo nito, ilang sekundo, ilang minuto (wag naman sana oras) - ilang saglit na ang lumipas?

ano na ang nagyari?

Link | Leave a comment {1} | Add to Memories | Tell a Friend

muling pagsimula.

Nov. 28th, 2005 | 04:03 pm

ang dyornal na ito ay muling bubuhayin.
gagamitin na ang [info]gobbledyguk sa pagtupad ng mga pangangailangan ng kursong Fil 12 ng Ateneo de Manila University.

aangkinin ng dyornal na ito ang ngalang "gobbledyguk"- isang salitang ingles na ibig sabihi'y "nonsense". nilikha ang [info]gobbledyguk noong disyembre ng 2003 sa layon na ito ang maging tambakan ng aking mga isip at pananaw ukol sa kahit anumang mga bagay. Ngayon at ito na'y magiging isang Filipinong dyornal, mukhang babagay nga ang ngalang nangangahulugan ng ..."walang kahulugang mga salita". hahaha

ang disenyo naman ay na-inspire ng kantang More Than This ng bandang The Cure. ang mga salitang iyon----->
ay nannggaling sa korus ng kanta. mapapalitan siguro ito sa loob ng susunod na linggo, kapag nakapag-isip na ako ng na-aayon na kanta na magiging batayan ng disenyo. sa ngayo'y kinakailangan na munang mag-aral para sa calculus.


at sa aking mga lj-friends na naka-add pa sa friends list ang dyornal na ito, nais kong ipaalala na ang bago kong dyornal ay matatagpuan na sa [info]carbocisteine at naroon ang mga "tunay" na post. at matapos niyong basahin ang entry na ito, malamang tatanggalin niyo na mula sa list niyo ito, o kung hindi ay pinagtatawanan niyo na ako. hahaha :P

Link | Leave a comment {1} | Add to Memories | Tell a Friend

sorry for the inconvenience

Nov. 4th, 2005 | 10:07 pm

NEW JOURNAL! [info]carbocisteine
It's now functional.

addit addit!!

Link | Leave a comment | Add to Memories | Tell a Friend

Advertisement

Customize